Oh,nandiyan na pala kayo. Halina't sabay-sabay nating tuklasin ang mga pangyayari, kuru-kuro, at mga kwentong likha ng nag-iisa at walang katumbas na si ATE SHEN.

Sa unang kwento natin ngayon na  pinamagatang "Ang Cute Ko"  malalaman ninyo ang tunay na pinagmulan ng salitang CUTE, alam kong marami ang mga katanungan sa inyong isipan kaya naman sisimulan ko na ang makabuluhan kong KWENTO.

Sa isang malayong pook, nakatira ang mag-asawang sina Ranulfo at Rolina.Sagana man sila sa buhay ay hindi pa rin sila naging masaya sapagkat,wala silang anak.Dahil dito naging malungkutin si Rolina at di na rin siya lumalabas ng bahay,  napansin ni Ranulfo ang unti-unting pagbabago ng kanyang asawa kaya maging siya man ay naging malungkot din.

Isang araw, habang si Ranulfo ay abala sa pag-babantay ng kanilang malawak na palayan  isang gusgusin na matanda ang lumapit sa kanya.
      "Amang,maaari ba akong makahingi sa iyo ng  makakain?? Sige na naman h---hindi pa kasi ako              kumakain,p---parang awa mu na amang." pagmamakaawa ng matanda.

"Naku,lola sige po. Maaaring hintayin mu muna ako at may kalayuan ang aming bahay rito." inakay ni Ranulfo ang matanda papunta sa lilim ng isang punong mangga at saka na siya umalis.

Makalipas ang ilang minuto ay dala na ni Ranulfo ang isang basket ng pagkain. Sa di kalayuan ay natanaw niya ang matanda  na naglalakad  patungo sa isang malaking puno ng akasya di kalayuan sa puno ng magga kung saan niya ito iniwan. Tatawagin  sana niya ito ngunit para itong bulang biglang nawala sa likod ng puno. Takot na tkaot si Ranulfo sa kanyang nakita kaya naman napatakbo siya pabalik sa bahay nila.


Matapos ang pangyayaring yaon di na muling nakita ni Ranulfo ang matanda at magmula rin ng araw na iyon ay unti-unti naring nanunumbalik ang sigla ng kanyang asawa.Hindi niya maipaliwnag kung bakit ganun nalang ang pagbabago ng kanyang asawa mula nang ekwento niya rito ang mga nangyari ng umuwi siyang takot na takot.


Hindi naglaon ay nabuntis na rin sa wakas si Rolina at makalipas ang siyam na buwan ay ipinanganak niya ang pinakamalusog na sanggol sa kanilang pook. Pinangalanan nila itong Kenneth,na ang ibig sabihin sa kanilang nayon ay muntik ng maging gwapo mula nang ipinanganak ito ay nauso na sa kanila ang salitang CUTE na palayaw ni KENNETH.


WAKAS.!!



Paalala:
Ang kwentong ito ay kathang isip lamang at walang kinalaman sa totoong buhay at di maaaring  maging basihan sa tunay na buhay. Laging tandaan na ang mga kwentong gaya nito ay hindi totoo kung nakaka-relate man ang tauhan sa kwento bahala na sila!! basta hindi yan totoo,!!!!!!
 


0 comments:

Post a Comment